ANG MGA NAMAHALA SA BULACAN ni Monina Nicole Sunga

Naririto ang listahan ng mga namuno sa lalawigan ng Bulacan mula nang maitatag ito bilang opisyal na lalawigan ng Republika ng Pilipinas. Halina't kilalanin sila at ang mga kabayanihan ng kanilang pamumuno.


1. Heneral Gregorio Del Pilar
Isa si Gregorio sa mga kilalang "Romantic Figures" sa kasaysayan ng Pilipinas at isa sa pinaka batang heneral sa Hukbong Rebolusyonaryo. Siya ay isinilang sa San Jose, Bulacan noong Nobyembre 14, 1875. Nakilala siya bilang “Hero of Tirad Pass” o sa tagalog ay "Bayani ng Pasong Tirad". Bago siya nawala sa mundong ito ay naisulat nya ang mga katagang ito, “I am surrounded by fearful odds that will overcome me and my gallant men, but I am pleased fighting for my beloved country”

2. Heneral Isidro Torres 
Si Heneral Torres ay ipinanganak noong Abril 10, 1886 sa Matimbo, Malolos, Bulacan. Sa edad na 16 ay napagbintangan sya na pumatay sa pari na nangongolekta ng pera galing sa simbahan. Isa siya sa mga rebolusyonaryong iniwan ang kanilang bahay sa Bulacan at dinala ang kanilang pamilya sa gubat nang magsimula na ang rebolusyon.

3. Teodoro Sandico 
Isinilang si Sandico sa Pandacan, Manila noong Marso 31 1860. Nagawa niya din lumibot sa iba’t ibang bansa at nagbukas ng bicycle shop sa Leige. Sakanya nagsimula ang “Patrido Nationalista”. Noong Agosto 22 1906, siya ay hinirang bilang lider ng Partido Independista Nacional Imediesta.

4. Pablo Tecson 
Si Ginoong Tecscon ay namahala sa Bulacan noong 1902 hanggang 1906.

Ipinanganak siya nooong Hulyo 4, 1859 sa San Miguel de Mayumo Probinsya ng Bulacan. Nagsimula siya mag aral sa San Miguel at itinuloy sa San Juan de Letran kung saan nya natapos ang Bachellor of arts. Nagserbisyo sya sa Pahayagan Patnubay ng Catolico, inilabas noong April 1890. Isa siya sa nakadiskubre ng "Katipunan’s balangay Arao" sa San Miguel.

5. Donato Teodoro
Si Ginoong Teodoro naman ang pumalit kay Tecson na namahala sa Bulacan noong 1906 hanggang 1909

Natapos niya ang kursong abogasya dahil sa sipag at tiyaga. At nagpapatira siya ng mga aspiring students niya sa kaniyang bahay. Tinuloy ng kanyang pangalawanga asawa ang kaniyang Gawain pagkatapos niyang mamatay.

6. Juan B. Carlos 
Si Ginoong Carlos ang humalina kay Teodoro na nagsimulang namahala sa Bulacan noong 1919 hanggang 1920

Ipinagpatuloy niya ang sinimulan sa namatay na si Donato Teodora. Nagsimula ang pagtatayo ng Provincial Court noong kanyang termino.

7. Pio Valenzuela 
Namahala siya sa loob ng mga taong 1921 hanggang 1925
Noong Hulyo 11, 1869 siya ay ipinanganak sa Polo, Bulacan,una siyang nag aral sa bahay. Naging Presidente ng Munisipyo noong 1899 habang nasa kulungan. Nakilala rin siya bilang isang taong tuwid sa pagsasalita.

8. Restituto J. Castro 
Namuno sa lalawigan ng Bulacan noong mga taong 1925 hanggang 1928. Sa kan'yang pamamahala noong Enero 20-21, 1927 – Ginanap ang Provincial Bulacan Carnival sa Provincial Government Grounds.

9. Jose Padilla Sr. 
Siya ay isang abogado galing sa Plaridel at nagging Gobernador noong 1928 hanggang 1931. 


10. Cirilo B. Santos 
Mga taon ng pamamahala: 1931 hanggang 1934
Siya ay nag-aral sa San Juan de Letran at nagtapos ng Bachelor of Law sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Naging konsehal ng bayan, hukom tagapamayapa, at kasapi ng mga Lupon ng mga Paaralan sa Bulacan. Nahalal na kinatawan para sa ikalawang distrito noong 1919 at noong 1928, Nahalal na gobernador sa halalang ginanap noong Hunyo 2, 1931.

Sa Panahon ng kanyang panunungkulan ay nahingi niya mula sa pamilya ni Don Antonio Bautista ang lupang kasalukuyang kinatatayuan ng Bulacan Provincial Hospital at naipagawa ang maikling daan sa pagitan ng Tabang at Poblacion, Guiguinto noong 1932.

11.  Jacinto Molina 
Tubong Bulakan, Bulacan, Nahalal at naglingkod bilang Gobernador noong 1938 hanggang 1940. Sa Panahon ng kanyang panunungkulan ay naikuha niya ang pamahalaan ng lugar para sa provincial nursery sa Tabang Guiguinto. Nagpatayo rin siya ng mga narseri buildings at noong Disyembre 1938, ang Ipo Dam sa Norzagaray na sinumulang ipatayo noong 1935 ay nakumpleto. Ang flashboard ng nasabing dam ay may habang 124 metro at ang luwang mula sa ibabaw hanggang ilalim ay 12 metro. Ito ay nagtutustos ng 115 milyong gallon ng tubig sa La Mesa Dam reservoir patungo sa Balara. 

12. Emilio Rustia
Naging Gobernador siya noong panahon ng Commonwealth noong 1941 hanggang 1943. Noong nagsimula ang World War II nagpatuloy siya sa Japanese sponsored civilian government. 

13. Fortunato Halili
Naging Gobernador ng Bulacan noong nahalal si Presidente Roxas sa Pilipinas at naging gobernador ulit pagkatapos ng dalawang taon. Ang pinaka malaking nakamit niya ang mabilis napaghilom ng Pilipinas galing sa Gera. Ang Kapitolyo ay naayos noong kaniyang panunungkulan sa halagang P 121, 800.00. 

14. Alejo S. Santos 
Naging Bulacan Military Area Commanding Officer at ang mga Gerang panahon ang nagpanalo sakanya. Naging Congressman siya sa pangalawang distrito ng Bulacan noong 1949 at tumakbo laban kay Jose Suntay at nanalong Gobernador pagkatapos ng kanyangfg termino.

15. Tomas S. Martin (1958-1963)
Si Martin ay tubong Hagonoy Bulacan. Anak ni Don Miguel Martin at Nicolasa Sebastian. Ag kanyang ama na si Don Miguel ay naging alkalde ng Hagonoy at bokal ng Junta Probinsyal Bulacan. Ang pinaka malaki niyang narating ay ang mapalapit ang mga tao sa Gobyerno. Palagi niyang binibisita ang mga tao at madaming Communnity based project.

16. Jose M. Villarama 
Pinaka matandang anak nina Pedro Villarma at Luisa. Siya ay Graduate ng Medisina galing sa UST noong 1942. Nakapasa sya sa Board Exam noong taon din na iyon at nagging business man din kasabay ng sa Politika. Noong 1963 ay nag resign siya na vice president at tumabkong Gobernador laban kay Gov. Martin.

17. Ignacio Santiago 
Siya ay isang matagumpay na Mayor ng Valenzuela sa una. At ang kanyang mga kaibigan ay sinabing tumakbo siya bilang gobernador sa Bulacan. Siya ay lumaban kay Gov. Villarama noong 1967 na lamang ng 56,000 na boto.

18. Armado Pineda
Isinilang sa Calizon, Calumpit, Bulacan noong September 13, 1920 sa mag-asawang Francisco Pined at Leona Torres. Siya ay nagtapos ng Bachelor of Science in Commerce sa Far Eastern University. Siya ay naging Punong Bayan ng Calumpit Noong 1956-1959 at muling nahalal at nanungkulan noong 1960 hanggang 1963 at naging “Outstanding Mayor” sa Gitnang Luzon naging bokal noong 1964.

18. Roberto M. Pagdanganan 
Ang kanyang tatay ay dating baranggay captain at municipal councilor, karpintero at magsasaka, at ang kanyang nanay ay nagtitinda sa palengke. Si Roberto o kilala bilang "obet" ay graduate ng elemtary at highschool bilang Valedictorian. Nakapagtapos siya ng kursong BS Chemical Engineering sa Manuel L. Quezon University bilang kauna-unahang Summa Cum Laude ng School of Engineering sa unibersidad.

19. Josefina Mendoza Dela Cruz 
Isa siyang tagapagtaguyod ng kilusang "Feminista". Siya ay mas nakatutok sa mga pambabaeng Gawain. Siya ay lumaki sa Lolomboy, Bocaue, Bulacan. Siya ang pinaka matanda sa limang magkakapatid. Ang babaeng Gobernador na nag aral sa Ateneo de Manila University sa QC. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Management Engineering noong 1979 at Bachelor of Arts Major in Psychology in 1980, Cum Laude at Magna Cum Laude. 

20. Joselito R. Mendoza 
Nagkaron siya ng mga sumusunod na award na 
"DOCTOR OF HUMANITIES" - "Honoris Causa" galing sa Bulacan Agricutural State College, San Ildefonso, Bulacan noong April 11, 2008.
"BEST LOCAL CHIEF EXECUTIVE" bilang parte ng 2007 Best PESO Award 
- 1st Class Province Category given by the Department of Labor and Employment - National noong Oktubre 1, 2008 sa Almond Hotel, Butuan City.
- "BEST LOCAL CHIEF EXECUTIVE" bilang parte ng  2008 Regional Best PESO Award-1st Class Province Category na binigay ng Department of Labor and Employment - Region III noong February 5, 2009 sa Oxford Hotel, Clark Field, Pampanga.

21. Wilhelmino M. Sy-Alvardo 
Siya ay ipinanganak noong December 29, 1946 sa Hagonoy, Siya ay consistent honor student mula elementary at highschool. Natapos ang Bachelor of Science in Commerce major in Banking and Finance sa UST. Dahil sa mga accomplishment niya ay eto ang kanyang naging award, degree of Doctor of Humanities honoris causa ng Bulacan State University.

22. Daniel R. Fernando 
Ang kasalukuyang nakaupo sa pagiging Gobernador ng Bulacan ay nagmula sa Tabang, Guiguinto, Bulacan.
- Marami siyang award kagaya ng mga sumusunod: 
2014 Outstanding Local Legislator (Vice Governor Category) Given by Superbrand,
2014 Distinguished Alumni Achievement Awardee Given by the University of the East Caloocan Alumni Association Inc.,
2013 Gintong Palad Public Service Awardee Given by the Movie Writers Welfare Foundation and Elements Marketing and Advertising Service,
2012 Most Outstanding Public Servant Given by Gawad Amerika Award Celebrity Center, Los Angeles, California,
2011 Most Outstanding Provincial Vice Governor Given by Press Media Affair Center (PMAC),
2011 Foremost Advocate of Good Government Given by PMAC,
2011 Best Provincial Official of the Year Given by PMAC,
2011 Exemplary Public Service Award Given by PMAC,
1995 Natatanging Anak ng Bulacan Achievement Awards Most Outstanding Board Member Awardee from Central Luzon Media Association.

Sunggunian:






Maligayang Pagdating sa aming Blog!