MGA BAYANING NAGMULA SA BULACAN ni Arcey Denise Dionisio

Mariano Ponce  

(Baliuag Bulacan)

Si Mariano Ponce ay ipinanganak noong Marso 23 1863 at namayapa noong Mayo 23, 1918.

Isa si Mariano Ponce sa mga Pilipinong doktor na naging pinuno ng Kilusang Propaganda na nag himok sa Pilipinas na mag Rebulusyon laban sa mga Kastila noong taong 1896. Noong panahon ng Propaganda siya ay gumamit ng ibat ibang sagisag tulad ng Tikbalang, Naning, at Kalipulako sa kanyang pagsusulat. Pinamatnugutan niya ang pahayagang La Solidaridad at aktibong kasapi ng Asosacion Hispano-Filipino. Si Mariano Ponce ay naglingkod bilang isang mambabatas sa Pambansang Asemblea at kanyang kinatawanan ang ikalawang distrito ng Bulacan.


Ilan sa kaniyang mga nasulat ay ang mga sumusunod:
• Ang Alamat ng Bulacan
• Ang Pagpugot kay Longhinos
• Liwasang Bayan ng Malolos
• Ang Panitikan ng Kilusang Propaganda
• Ang Makasaysayang Pag-aaral Tungkol sa Pilipinas

Marcelo H. Del Pilar

(Kupang Bulakan, Bulakan)

Si Marcelo H. Del Pilar ay ipinanganak noong Agosto 30, 1850 at namayapa noong Hulyo 4, 1896.

Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan o mas kilalang Marcelo H. del Pilar ay kilala bilang isang “Dakilang Propagandista”, Siya ay isang illustrado noong panahon ng pananakop sa atin ng mga Espanyol. Nakilala siya sa mga pahayagan bilang si Plaridel. Siya rin ang pumalit kay Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad. Noong  Unang araw ng Hulyo 1882 itinatag niya ang Diaryong Tagalog kung saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan.



Ilan sa kaniyang mga nasulat ay ang mga sumusunod:
• Sa Bumabasang Kababayan
Dupluhan... Dalit... Mga Bugtong
• Sagót ng España sa Hibíc ng Filipinas
• La Frailocracía Filipina
• Pasióng Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Babasa
• La Soberanía Monacal en Filipinas

Gregorio Del Pilar

(Bulacan, Bulakan)

Si Gregorio Del Pilar naman ay isinilang noong Nobyembre 14, taong 1875 at binawian ng buhay noong Disyembre 2, 1899.

Si Gregorio del Pilar o mas kilala bilang Goyong ay ang pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano.Siya ay nag aral sa  Ateneo Municipal de Manila noong 1880 at tumira sa bahay ng kanyang tiyo na si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag ang Katipunan,Siya ay naging mensahero ng mga propagandista.At sa kanyang murang edad ay sumapi siya sa Katipunan,naging pinuno ng mga katipunero at sumanib sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya.Naging Tinyente siya sa gulang na labing-anim na taon at ginawa siyang heneral sa isang brigade noong siya ay nasa 22 na taong gulang. Ang pagsalakay niya sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel) ang nagpatanyag sa kanya. Si del Pilar ang pumalit kay Hen. Antonio Luna na humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo noong namatay siya.


Pio Valenzuela  

(Polo, Bulacan)

Si Pio Valenzuela ay nagsimula nang mamuhay sa mundo noong ika-11 ng hulyo taong 1869 at binawian ng buhay noong ika-6 ng Abril, 1956.

Si Pío Valenzuela ay isang doktor, at bayaning Pilipino na isa sa mga pinuno ng Katipunan na lumaban sa mga Kastila noong Panahon ng Himagsikan.Isinulat niya ang kanyang mga naalala ng Himagsikan noong dekada 1920. Sakanya ipinangalan ang lungsod ng Valenzuela. Siya ang unang alkalde munisipalidad ng Polo na ngayon ay Valenzuela na mula 1899-1900 bago siya naging gobernador ng lalawigan ng Bulacan.





Trinidad Tecson 

(San Miguel de Mayumo,Bulacan) 

Si Trinidad Tecson ay ipinanganak noong Nobyembre 18, 1848 at namayapa noong Enero 28, 1928.

Trinidad Perez Tecson o mas kilala bilang “Ina ng Biak na Bato” at “Ina ng awa”.Kinilala din siya bilang “Mother of the Philippine National Red Cross” dahil sa kaniyang serbisyo para sa kanyang mga kapwa Katipuneros. Sumali siya sa mga rebolusyonaryong pwersa na pinamunuan ni Gen. Gregorio del Pilar at lumahok sa pag-atake sa lalawigan ng Bulacan at Calumpit.

 Naglingkod din siya sa Malolos Republic at itinalaga bilang Commissary of War. 


Isidoro Torres 

(Matimbo, Malolos Bulacan) 

At ang panghuling bayani na tatalakayin natin ay Si Mariano Ponce na ipinanganak noong Abril 10, 1866 at namayapa noong Disyempre 5, 1928.

Si Isidóro Tórres ay isang heneral sa Himagsikang Filipino. Siya ay kasapi ng Katipunan at kilala sa kaniyang grupo bilang “Matang Lawin.” Isa siyang mahusay na lider at estratego ng mga rebolusyonaryo.Siya ay  naging cabeza de barangay siyá mula 1890 hanggang 1892.


MGA SANGGUNIAN: https://tl.wikipedia.org/wiki/Mariano_Ponce

https://tl.wikipedia.org/wiki/Marcelo_H._del_Pilar https://tl.wikipedia.org/wiki/Gregorio_del_Pilar https://tl.wikipedia.org/wiki/Pio_Valenzuela https://philippineculturalducation.com.ph/torres-isidoro/ https://en.wikipedia.org/wiki/Trinidad_Tecson



Maligayang Pagdating sa aming Blog!