FOODTRIP SA BULACAN ni Klyde Dexter Macapugay

Ang Lalawigan ng Bulacan ay mga pag kain pinag mamalaki na talaga naman na masarap at mga naimbentong pakain at mga restaurant na kilala sa ating lalawigan






Tinapang Bangus 
Ito ay ipinag mamalaki ng bayang Obando Bulacan, at ang  pinaka sikat na tindahan ay tindahan ni Nanay Elvie's Relyano, at ang lasa ng pagkaing iyong nakikita ay katangi tangi dahil eto ay bihira  nating makita o matitikman. 












Pumunta naman tayo sa Bayan ng Malolos kung saan ay ang kanilang pinag mamalaki ay ang... 


Empanada de Kaliskis 
at ang palaman neto ay karne ng manok at hinaluaan ng patatas, at ang pagkaing ito ay kinakain na mula pa noong 1820 at hanggang ngayon ay hindi pa din ito nakakalimutan.




Minasa
Ito ay ating matatagpuan sa bayan ng Bustos ang Minasa ay isang uri ng biscut na may nakakaakit na disensyo ng bulaklak nagawa sa Cassava flour at Eto ay inihahain na mula pa noong panahon ng kastila, at hanggang ngayon eto ay binabalik balikan padin ng mga tiga ibang lugar.







Mga Tampok na kainan o restaurant sa lalawigan ng Bulacan na naghahain ng masasarap at malinamnam na mga putahe:

1. Hapag Restaurant and Event Place
 Ang Hapag Restaurant and Event Place, ay makikita sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, Bulacan Capitol Compound, Malolos. Eto ay nag simula sa maliit na negosyo hanggang sila ay nag catering hanggang sa lumaki at nag karoon ng dalawang branch na ang isa ay nasa Baliwag Bulacan . Ang mga  karaniwang pagkaing inihahanda dito ay pagkain na ating mga nakasanayan pagkain ng Pinoy.



2. Nina’s Fried Itik
Eto ay ang Ninas’s Fries Itik Restaurant. mapupuntahan natin ito sa 358 Santan St, San Jose, Plaridel. Sila ay nag simula sa Eat All You Can. At ang mga pinakamasarap na inihahain dito ay ang kanilang Fried itik at Adobong itik at meron din silang Pork sisig at Crispy. At dito ay mararandaman mo ang pagiging Pinoy dahil kayo ay kakain sa sa kubo sabay sabay.

3. Lee Foo Panicteria
Ang Lee Foo Panciteria ay ating makikita sa 112 Cagayan Valley Rd, Sta Rita Guiguinto. Eto 35 na nakatayo sa lalawigan ng Bulacan. Sila ay nag hahain ng kanilang pinag mamalaking Pancit Canton, Canton Tustado at Lee Foo Chicken at Tapsilog at Lechong Kawali. At sila ay may branch din sa Pulilan, Bulacan. At ang mga pag kain dito ay karaniwang pag kain ng mga Chinese. 

4. Cafe Nenzo
Cafe Nenzo ay kilala dahil pag hahain ng mga masustansyang pag kain. At ito ay makikita sa G/F Esperansa Mall, Mac Arthur Highway, Meycauayan. Ang mga hinahain dito ay Nacho Grande Trio Sauce, Kani and Mango Salad, Baby Back Ribs with Smokey Barbecue Sauce, Viggie Sisig Sizzler. At ang isa sa mga may ari neto at isa Nutritionist kaya puro masustansya ang pagkain dito. Kaya kung gusto mo ay puro masustansyang pagkain eto ang lugar para sayo.


5. Dreamy “ Unicorn” Cafe
Ito naman ang Dreamy “Unicorn” Cafe. At ito ay matatagpuan sa 1200 ARBE Mac Arthur Highway. At ang mga pwedeng kainin dito ay Nutty Banana Waffles, Peach Mango A La Mode Waffle. At kung gusto mo o nyong makapag pahinga ng maayos o maka pa bonding dito na kayo pumunta dahil ito ay bukas kahit hating gabi.


6. Coficut Brews and Booze
Ang Coficut Brews and Booze. ay ating makikita sa BRC Compound, DRT Highway, Baliuag. Ang mga patok na pagkain dito ay Toasted Marshamallow Frappe, Nacho at Ginger Beer. At ito ay  bukas hanggang gitna ng gabi kaya kung gusto ng late night talks eto dapat ang ang puntahan. dahil masasarap ang mga pag kain dito. 




7. Citang’s Eatery
Ang Citang’s Eatery ay makikita sa 620 Kautro Kantos, Sta. Isabel, Malolos. ito ay kilala sa Bulacan dahil 1970 ay ginawa at binuksan ito. At ito napalabas na sa Telebisyon gaya ng ABS-CBN, GMA at CNN Philippines. dahil sa mga miryendang pwedeng ipasalubong sa mga mahal natin sa buhay. Gaya ng Biko at Sapin sapin at iba pa. 


8. Pepper’s Grill
Ito ay ang Pepper’s Grill. Ito ay matatagpuan sa 780 Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan. Ang mga patok na inihahain dito ay. Pepper’s Seafood Express Halo Halo Sinugba, Crispy pata, Chapseuy ito ay nag simula sa maliit na kainan hanggang lumago. Dahil sa sipag ng mga may ari neto.





9. Hiromitsu Restaurant
Ang Hiromitsu Restauran ay ating makikita sa Centro Mall Plaza, Basuranan 1st, Pandi. At ito ay isang uri ng Japanese Restaurant. Dito ay ating matitikman ang mga pag kain tulad ng Spicy Tuna, Hiromitsu’s Deep Fried Tempura Maki. Ang mga pag kain dito ay karaniwang pagkain ng mga Japanese. 



10. Bistro Maloleno
Ang Bistro Maloleno ay ating matatagpuan sa Capitol View Park, Malolos. Ang mga pagkain dito ay mga paboritong pagkain ng ating mga bayani katulad ni Emilio Aguinaldo ang kanyang paburito ay Nilagang Manok na Puti na may asparagus. At isa lamang yan sa ating matitikman dito. At ito ay ginawa noon April 2013 at hanggang ngayo'y bukas parin ito.

Sanggunian: https://explore.traveloka.com/bulacan/restaurants

Maligayang Pagdating sa aming Blog!