Sa isang probinsya, hindi mawawala ang mga kapistahan at kasiyahan. Kung ikaw ay taga Bulacan, marahil alam mo na ang ilan sa mga kapistahan sa ating Probinsya. Halina’t tuklasin ang ilan sa mga kapistahan at Kasiyahan sa Bulacan.
Unang una na rito ang Libad Festival ng Calumpit na ginaganap tuwing ika-dalawampu’t tatlo ng Hunyo. Ito ay isang selebrasyon kung saan mayroong parada ng mahigit tatlumpung pinalamutiang pagoda na tinatawag na ‘’kasko’’ sa ilog ng Calumpit. Ito ay ginaganap isang araw bago ang aktuwal na kapistahan ng bayan bilang pagbibigay-pugay kay St. John the Baptist.
(https://aboutbulacan.weebly.com/blog/calumpit-libad-festival)
Sumunod naman ay ang Kasilonawan o mas kilala sa tawag na Sayaw ng Obando na ginaganap mula ika-labing pito hanggang ika-labing siyam ng Mayo. Sinasayaw ito habang umaawit ng kantang Santa Clara Pinung-Pino. Inilalaan ang araw ng Mayo 17 ay para kay San Pascual de Baylon, ang santo kung ang mananamba ay nais magkaron ng asawa, at nais magkaron ng anak na lalaki. Mayo 18 na para kay Santa Clara, kung ang nais naman ay magkaron ng anak na babae. At Mayo 19 na para naman kay Nuestra Senora de Salambao, para sa proteksyon ng mga mangingisda dahil ito ang pangunahing kinabubuhay ng mga taga Obando.
(https://en.wikipedia.org/wiki/Obando_Fertility_Rites#:~:text=The%20Obando%20Fertility%20Rites%20are,in%20Obando%2C%20Bulacan%2C%20Philippines.)
Ikatlo ay ang Halamang Dilaw Festival ng Marilao na ginaganap tuwing Mayo. Hango ito sa salitang “Marilaw” o madilaw. Ito naman ay ang kapistahan para sa pasasalamat sa kalikasan kung saan nagkakaroon ng street dance at iba pang kasiyahan.

(https://www.hellotravel.com/events/halamanan-festival)
Ang susunod naman na kapistahan ay ang Horse Festival o mas kilala sa tawag na Salubong Festival ng Plaridel na ginaganap mula ika-dalawampu’t siyam hanggang ika-tatlumpu ng Disyembre. Ito ay apat na aang taon nang tradisyong selebrasyon para sa kapistahan ni St. James the Apostle kung saan pumaparada ang mga kabayo mula sa Baranggay Sipat at bayang ng Poblacion hanggang sa umabot sa simbahan para sa 12 noon mass.

(https://plaridelsite.wordpress.com/2016/10/20/plaridel-horse-festival/)
Isa pa sa kasiyahang ginaganap sa Bulacan ay ang Pagoda Festival ng Bocaue tuwing unang lingo ng Hunyo. Ipinagdiriwang sa pistang ito ang pagkakatuklas ng mahimalang krus na nakalutang sa Ilog ng Bocaue 200, mga taon na ang nakalilipas. Sa araw ng Pagoda sa Wawa, isang kopya ng krus na pinagpakuan ni Hesukristo ang ipinuprusisyon habang nakasakay sa isang pagodang pinalamutian at ginagabayan ng mga bangkang makukulay. Pinaparangalan ng prusisyon at ng nobena ang Banal na Krus ng Bocaue, Bulacan na mas nakikilala bilang Krus ng Wawa. Isang trahedya ang nangyari kung saan noong taong 2014 ay 150-200 lamang ang maaaring sumakay sa pagoda.
Ang sumunod na kasiyahan ay ang Singkaban Festival ng lalawigan ng Bulacan. Tradisyon na ng mga Bulakenyo na ganapin ito sa loob ng isang linggo, buwan ng Setyembre. Ang Singkaban Festival ay ang pinakamahaba at pinakamalaking pistang ipinagdiriwang sa Bulacan. Sinasabing ito rin ang Ina ng mga Pista sa Bulacan sapagkat nagsasama-sama dito ang iba’t ibang pista o tradisyon ng mga bayan tulad ng Gulay Festival ng San Ildefonso, Halamanan Festival ng Guiguinto, Buntal Hat Festival ng Baliwag, Goto Festival ng Plaridel, Minasa Festival ng Bustos, Baro’t Saya Festival ng Pandi, Carabao Kneeling Festival ng Pulilan at iba pa.
At ang huli ay ang Angel Festival ng San Rafael na ginaganap tuwing ika-dalawampu’t siyam ng Setyembre. Ito naman ay isang parada kung saan nagkakaron ng street dance at ang mga residente rito ay nagsusuot ng bihis na pang Anghel bilang pagbibigay galang sa Pitong Arkanghel at isa rito ay si Saint Rafael. Sa higit isang libong residente na nakasuot nito ay nagmumukhang tila ang langit ay bumaba sa kanilang bayan. Ayan ay ilan lamang sa mga kapistahan at kasiyahan na dinaraos sa Bulacan.

(https://www.a1-philippine-travel-asia.com/bocaue-pagoda-festival.html)
Susunod naman ay ang Carabao Festival ng Pulilan na ginaganap tuwing ika-labing apat ng Mayo. Ayon sa mga PulileƱo, ang Carabao Festival ay isang pagdiriwang ng pasasalamat sa kanilang patron, si San Isidro Labrador. Bilang pagkilala, sa pagdaraos ng parada ay lumuluhod ang mga kalabaw sa tuwing tatapat o bago tumapat sa simbahan. Layunin niyo na mapaunlad ang turismo ng bawat lugar na pagdarausahn nito.
(https://www.amaialand.com/news-and-events/carabao-festival-pulilan-bulacan/#:~:text=The%20Carabao%20Festival%20is%20a,to%20these%20ever%2Dhelpful%20animals.)
Ang sumunod na kasiyahan ay ang Singkaban Festival ng lalawigan ng Bulacan. Tradisyon na ng mga Bulakenyo na ganapin ito sa loob ng isang linggo, buwan ng Setyembre. Ang Singkaban Festival ay ang pinakamahaba at pinakamalaking pistang ipinagdiriwang sa Bulacan. Sinasabing ito rin ang Ina ng mga Pista sa Bulacan sapagkat nagsasama-sama dito ang iba’t ibang pista o tradisyon ng mga bayan tulad ng Gulay Festival ng San Ildefonso, Halamanan Festival ng Guiguinto, Buntal Hat Festival ng Baliwag, Goto Festival ng Plaridel, Minasa Festival ng Bustos, Baro’t Saya Festival ng Pandi, Carabao Kneeling Festival ng Pulilan at iba pa.
(https://www.hellotravel.com/events/singkaban-festival)
At ang huli ay ang Angel Festival ng San Rafael na ginaganap tuwing ika-dalawampu’t siyam ng Setyembre. Ito naman ay isang parada kung saan nagkakaron ng street dance at ang mga residente rito ay nagsusuot ng bihis na pang Anghel bilang pagbibigay galang sa Pitong Arkanghel at isa rito ay si Saint Rafael. Sa higit isang libong residente na nakasuot nito ay nagmumukhang tila ang langit ay bumaba sa kanilang bayan. Ayan ay ilan lamang sa mga kapistahan at kasiyahan na dinaraos sa Bulacan.
(http://sanrafael.gov.ph/what_to_see/festival/#:~:text=Every%20year%2C%20the%20municipality%20celebrates,one%20of%20the%20Seven%20Archangels.)