MGA MAKASAYSAYANG LUGAR SA BULACAN
Alam naman nating lahat na ang Pilipinas ay punong-puno ng makasysayang lugar at pasyalan na talaga naming tatatak sa ating mga isipan na sagana sa kultura at kasaysayan kaya naman ating lalakbayin ang isa sa mga ito, ang lalawigan ng Bulacan.
Saan nga ba matatagpuan ang Bulacan?
Ang Bulacan ay isa sa mga lalawigan ng Pilipinas na makikita sa pangatlong rehiyon o gitnang Luzon.
Una nating lalakbayin ay ang Barasoain Church
Ang Barasoian Church ay matatgpuan sa Malolos,Bulacan at alam niyo ba na ang simbahang ito ay binuo ng mga Augustinian Missionaries para sa simbang romano noong 1500s – 1600s.
Noong 1898 sa ilalim ng dating pamhalaang rebolusyonaryo ang kabisera ng Pilipinas ay inilipat sa Malolos,Bulacan. Ang simbahan ay napili maging lugar ng unang kongreso ng Pilipinas, na mas kilala bilang Malolos Congress na pinamumunuan ni Don Pedro A. Paterno. Humantong ito sa pagbubuo ng saligang batas ng Malolos na pinagtibay noong 1899.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ang susunod naman sa ating pupuntahan ay ang Biak na Bato.
Ang Biak na Bato ay
matatgpuan sa San Miguel, Bulacan at alam niyo ba na ang parke ay naka konekta
sa mga malalapit na municipalidad ng San
Idelfonso at Donia Remedios Trindad na napapalibutan ng 2,177 ektaryang lupa.
Ang kaisipan ng republika
ay nagsimula noong huling bahagi ng Himagsikang Pilipino na si Pangulong Emilio
Aguinaldo, pinalibutan ng mga kastila ang kanyang lugar sa Talisay,Batangas.
Nakalabas siya sa mga kastila at nag sama ng 500 tao at pumunta sa Biak na
Bato, sa pagdating ni Aguinaldo sa lugar ay umabot ang mga tao ng ibang
lalawigan at nagpabago ng kanilang hukbong pandigma.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Pangatlo sa ating destinasyon ay ang Kakarong de Sili Shrine.
Ang Kakarong de Sili Shrine ay matatagpuan sa Pandi,Bulacan at alam niyo ba na mayroong na may nakatagong silid dito kung saan pinaprusahan ang mga traydor na miyembro.
Dito sa Kakkarong de Sili Shrine naganap ang pinaka brutal na labanan sa Bulacan na umubos sa buhay ng di baba sa 2000 o mahigit kumulang 3000 katipunero. Dito rin itinatatag ang Republic of Real de Kakarong de sili noong taong 1896.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -