BULACAN NOON HANGGANG NGAYON ni Art Ezeniel Dela Cruz
Maligayang Pagdating sa Lalawigan ng Bulacan!
Alam niyo ba na ang pangalang "Bulakan" ay nagmula sa salitang Tagalog na "bulak" sa kadahilanang nang unang dumating ang mga Espanyol sa baybayin ng Pilipinas, natagpuan nila ang napakaraming bulak na lumalaki nang sagana sa maraming lugar sa Luzon, partikular na sa lugar na kinatatayuan ngayon ng Bulakan.
Bago dumating ang mga Kastila, ang Bulakan, pati na rin ang natitirang bayan ng lalawigan ng Bulacan, ay binubuo ng maliit na kalat na mga pamayanan ng mga nayon na tinawag na "barangay", isang salitang nagmula sa pangalan ng mga bangka na ginamit ng maagang paglalayag ng mga Malay na nagpunta sa iba`t ibang mga isla ng tinatawag nating Pilipinas ngayon.
Ang mga hinalinhan ng ating mga ninuno ay nanirahan sa iba't ibang bahagi ng kapuluan, at ang kanilang mga nayon at mga barangay ay pinamumunuan ng bawat pinuno ng isang maliit na pinuno na nagdala ng titulong "Gat" tulad ng Gat-Maytan, Gat-Salian, at "Gat-Dula", "Lakan" at "Lakandula". Ang mga maagang naninirahang ito ay nanirahan sa tabi ng mga dalampasigan at ilog, kaya't tinawag silang "taga-ilog", nangangahulugang mga tao na naninirahan malapit sa mga ilog o iba pang mga daanan ng tubig. Mula sa katagang ito na "taga-ilog" nagmula ang salitang "Tagalog".
Ang Bulacan ay isa sa mga opisyal na lalawigan mula nang maitatag ang Republika ng Pilipinas. Ang lalawigang ito ay matatagpuan sa Gitnang Luzon Rehiyon ng bansa. Mula sa Maynila na kabisera ng ating bansa, ang Bulacan ang lalawigang nasa hilaga nito kaya naman kinilala ang Bulacan bilang “Northern Gateway from Manila”. Ito ay hangganan ng mga lalawigan ng Aurora at Quezon sa silangan, Nueva Ecija sa hilaga, Pampanga sa kanluran, ang Rizal sa timog-silangan at Manila Bay sa timog-kanluran.
Ang Bulacan ay may kabuuang sukat ng lupa na 262,500 hectares o humigit-kumulang 14 porsyento ng kabuuang lugar ng Gitnang Luzon, ang pinakamalaking isla ng Pilipinas, at 0.9% ng kabuuang sukat ng lupa ng bansa.
Ang Doña Remedios Trinidad (DRT) ay ang pinakamalaking munisipalidad sa Bulacan na mayroong kabuuang sukat ng lupa na halos 93,298 hectares o halos 36 porsyento ng kabuuang lupang panlalawigan. Sinundan ito ng mga munisipalidad ng San Miguel at Norzagaray na may mga lugar na lupain na kumakatawan sa higit sa 6 na porsyento ng kabuuang lalawigan. Sa kabilang banda, ang Obando ay may pinakamaliit na landmass na may lamang 1,458 hectares o 0.56 porsyento ng buong lugar ng Bulacan.
Ipinagmamalaki ng Bulacan ang tunay na mayayamang pamana ng kasaysayan rito. Kabilang na ang Limang daan at animnapu’t siyam (569) na baranggay sa loob ng dalawampu’t isang (21) munisipalidad at tatlong (3) siyudad na isinilang dito kabilang ang mga bayan ng Angat, Balagtas, Baliuag, Bocaue, Bulakan, Bustos, Calumpit, Dona Remedios Trinidad, Guiguinto, Hagonoy, Marilao, San Miguel, Obando, Pandi, Paombong, Plaridel, Pulilan, San Ildefonso, San Miguel, San Rafael, at Santa Maria. Kasama rito ang mga Siyudad ng San Jose del Monte, Malolos, at Meycauayan.
Ang Bulacan ay kilala sa mga sumusunod na industriya: Produksiyon ng Marmol (marble), Alahas, Pyrotechnics, Paggawa ng mga kagamitang gawa sa balat ng hayop (leather), Pangingisda, Produksiyon ng karne, kasuotan, at kasangkapan sa bahay. At mas higit na kilala ang Bulacan sa pagpapalago ng mga bukirin, pananim at ng pagpapalay dahil malawak ang pursiyento ng bukirin sa lalawigang ito.
Unti-unti na ngang umuunlad ang Lalawigan ng Bulacan, kamakailan lamang ay inanusyo ang panukalang pagpapatayo ng "New Manila International Airport sa lalawigang ito.
Galing sa rappler, "San Miguel Corporation (SMC) on Tuesday, December 15, said the New Manila International Airport in Bulacan will begin construction in the 1st quarter of 2021." Ang panukalang-batas ay nagbibigay sa San Miguel Aerocity Inc. ng isang prangkisa upang mabuo, mapaunlad, mapatakbo at mapanatili ang New Manila International Airport sa Bulacan, na makikitang magsilbi sa mga manlalakbay mula hilaga at gitnang Luzon. Matatagpuan ito malapit sa pinataas na kalidad at pinagandang Clark International Airport sa Pampanga.
Tunay ngang yumayabong na ang pag-unlad ng Lalawigan ng Bulacan at makikitang hindi ito nagpapahuli sa ilang mga patuloy na umuunlad na mga kalapit-lalawigan. Unti unti ay mas nagkakaroon ito ng mas matibay na pagpapalawig sa mga tulong na iaambag nito sa kinakabukasan ng ating bansa.
Sanggunian:
https://www.cnnphilippines.com/business/2021/1/4/SMC-franchise-Bulacan-Airport-City-lapses-into-law.html
https://www.bulacan.gov.ph/generalinfo/index.php
ANG MGA NAMAHALA SA BULACAN ni Monina Nicole Sunga
FOODTRIP SA BULACAN ni Klyde Dexter Macapugay
Ang Lalawigan ng Bulacan ay mga pag kain pinag mamalaki na talaga naman na masarap at mga naimbentong pakain at mga restaurant na kilala sa ating lalawigan
TANYAG NA MGA SIMBAHAN SA LALAWIGAN NG BULACAN ni Erica Magcalas
Parokya ni Sta. Monica (Angat)
Parokya ni San Agustin (Baliuag)
Parokya ni San Pascual Baylon at Pambansang Dambana ng Nuestra Señora Inmaculada Concepcion de Salambao (Obando)
Santiago Apostol Church (Plaridel)
"Ang Bayan ng Magiting at Mahimalang si Santiago ng Quingua" ay kilala bilang Plaridel Church o Quingua Church, ay ikalabing-limang siglo ng Roman Catholic Church sa ilalim ng pagtangkilik ni Saint James the Apostol at matatagpuan sa tabi ng kalye ng Gobernador Padilla, Brgy. Poblacion, sa Plaridel, Bulacan, Pilipinas. Noong 1961, ang isang makasaysayang marker ay na-install sa simbahan ng National Historical Committee.
Barasoain Church (Malolos)
Pambansang Dambana ng Dakilang Awa ng Diyos (Marilao)
Ang National Shrine of the Divine Mercy o sa tagalog ay Pambansang Dambana ng Dakilang Awa ng Diyos ay isang simbahan na nakatuon sa Banal na Awa sa Marilao, Bulacan, Pilipinas. Itinaas ito sa katayuan ng Pambansang Dambana ni Archbishop Orlando Quevedo ng Catholic Bishops Conference ng Pilipinas. Ang unang Misa ay ginanap sa lugar noong Pebrero 2, 1992, ang Kapistahan ng Pagtatanghal.
Parokya at Pandiyosesis na dambana ni San Juan Baustista (Caumpit)
MGA MAKASAYSAYANG LUGAR SA BULACAN ni Julius Cesar Paje
MGA MAKASAYSAYANG LUGAR SA BULACAN
Alam naman nating lahat na ang Pilipinas ay punong-puno ng makasysayang lugar at pasyalan na talaga naming tatatak sa ating mga isipan na sagana sa kultura at kasaysayan kaya naman ating lalakbayin ang isa sa mga ito, ang lalawigan ng Bulacan.
Saan nga ba matatagpuan ang Bulacan?
Ang Bulacan ay isa sa mga lalawigan ng Pilipinas na makikita sa pangatlong rehiyon o gitnang Luzon.
Una nating lalakbayin ay ang Barasoain Church
Ang Barasoian Church ay matatgpuan sa Malolos,Bulacan at alam niyo ba na ang simbahang ito ay binuo ng mga Augustinian Missionaries para sa simbang romano noong 1500s – 1600s.
Noong 1898 sa ilalim ng dating pamhalaang rebolusyonaryo ang kabisera ng Pilipinas ay inilipat sa Malolos,Bulacan. Ang simbahan ay napili maging lugar ng unang kongreso ng Pilipinas, na mas kilala bilang Malolos Congress na pinamumunuan ni Don Pedro A. Paterno. Humantong ito sa pagbubuo ng saligang batas ng Malolos na pinagtibay noong 1899.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ang susunod naman sa ating pupuntahan ay ang Biak na Bato.
Ang Biak na Bato ay
matatgpuan sa San Miguel, Bulacan at alam niyo ba na ang parke ay naka konekta
sa mga malalapit na municipalidad ng San
Idelfonso at Donia Remedios Trindad na napapalibutan ng 2,177 ektaryang lupa.
Ang kaisipan ng republika
ay nagsimula noong huling bahagi ng Himagsikang Pilipino na si Pangulong Emilio
Aguinaldo, pinalibutan ng mga kastila ang kanyang lugar sa Talisay,Batangas.
Nakalabas siya sa mga kastila at nag sama ng 500 tao at pumunta sa Biak na
Bato, sa pagdating ni Aguinaldo sa lugar ay umabot ang mga tao ng ibang
lalawigan at nagpabago ng kanilang hukbong pandigma.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Pangatlo sa ating destinasyon ay ang Kakarong de Sili Shrine.
Ang Kakarong de Sili Shrine ay matatagpuan sa Pandi,Bulacan at alam niyo ba na mayroong na may nakatagong silid dito kung saan pinaprusahan ang mga traydor na miyembro.
Dito sa Kakkarong de Sili Shrine naganap ang pinaka brutal na labanan sa Bulacan na umubos sa buhay ng di baba sa 2000 o mahigit kumulang 3000 katipunero. Dito rin itinatatag ang Republic of Real de Kakarong de sili noong taong 1896.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
MGA KAPISTAHAN AT KASIYAHAN SA BULACAN ni Raven Joy Barleta
Sa isang probinsya, hindi mawawala ang mga kapistahan at kasiyahan. Kung ikaw ay taga Bulacan, marahil alam mo na ang ilan sa mga kapistahan sa ating Probinsya. Halina’t tuklasin ang ilan sa mga kapistahan at Kasiyahan sa Bulacan.
Unang una na rito ang Libad Festival ng Calumpit na ginaganap tuwing ika-dalawampu’t tatlo ng Hunyo. Ito ay isang selebrasyon kung saan mayroong parada ng mahigit tatlumpung pinalamutiang pagoda na tinatawag na ‘’kasko’’ sa ilog ng Calumpit. Ito ay ginaganap isang araw bago ang aktuwal na kapistahan ng bayan bilang pagbibigay-pugay kay St. John the Baptist.
(https://aboutbulacan.weebly.com/blog/calumpit-libad-festival)
Sumunod naman ay ang Kasilonawan o mas kilala sa tawag na Sayaw ng Obando na ginaganap mula ika-labing pito hanggang ika-labing siyam ng Mayo. Sinasayaw ito habang umaawit ng kantang Santa Clara Pinung-Pino. Inilalaan ang araw ng Mayo 17 ay para kay San Pascual de Baylon, ang santo kung ang mananamba ay nais magkaron ng asawa, at nais magkaron ng anak na lalaki. Mayo 18 na para kay Santa Clara, kung ang nais naman ay magkaron ng anak na babae. At Mayo 19 na para naman kay Nuestra Senora de Salambao, para sa proteksyon ng mga mangingisda dahil ito ang pangunahing kinabubuhay ng mga taga Obando.
Ikatlo ay ang Halamang Dilaw Festival ng Marilao na ginaganap tuwing Mayo. Hango ito sa salitang “Marilaw” o madilaw. Ito naman ay ang kapistahan para sa pasasalamat sa kalikasan kung saan nagkakaroon ng street dance at iba pang kasiyahan.
Ang susunod naman na kapistahan ay ang Horse Festival o mas kilala sa tawag na Salubong Festival ng Plaridel na ginaganap mula ika-dalawampu’t siyam hanggang ika-tatlumpu ng Disyembre. Ito ay apat na aang taon nang tradisyong selebrasyon para sa kapistahan ni St. James the Apostle kung saan pumaparada ang mga kabayo mula sa Baranggay Sipat at bayang ng Poblacion hanggang sa umabot sa simbahan para sa 12 noon mass.
Isa pa sa kasiyahang ginaganap sa Bulacan ay ang Pagoda Festival ng Bocaue tuwing unang lingo ng Hunyo. Ipinagdiriwang sa pistang ito ang pagkakatuklas ng mahimalang krus na nakalutang sa Ilog ng Bocaue 200, mga taon na ang nakalilipas. Sa araw ng Pagoda sa Wawa, isang kopya ng krus na pinagpakuan ni Hesukristo ang ipinuprusisyon habang nakasakay sa isang pagodang pinalamutian at ginagabayan ng mga bangkang makukulay. Pinaparangalan ng prusisyon at ng nobena ang Banal na Krus ng Bocaue, Bulacan na mas nakikilala bilang Krus ng Wawa. Isang trahedya ang nangyari kung saan noong taong 2014 ay 150-200 lamang ang maaaring sumakay sa pagoda.
Ang sumunod na kasiyahan ay ang Singkaban Festival ng lalawigan ng Bulacan. Tradisyon na ng mga Bulakenyo na ganapin ito sa loob ng isang linggo, buwan ng Setyembre. Ang Singkaban Festival ay ang pinakamahaba at pinakamalaking pistang ipinagdiriwang sa Bulacan. Sinasabing ito rin ang Ina ng mga Pista sa Bulacan sapagkat nagsasama-sama dito ang iba’t ibang pista o tradisyon ng mga bayan tulad ng Gulay Festival ng San Ildefonso, Halamanan Festival ng Guiguinto, Buntal Hat Festival ng Baliwag, Goto Festival ng Plaridel, Minasa Festival ng Bustos, Baro’t Saya Festival ng Pandi, Carabao Kneeling Festival ng Pulilan at iba pa.
At ang huli ay ang Angel Festival ng San Rafael na ginaganap tuwing ika-dalawampu’t siyam ng Setyembre. Ito naman ay isang parada kung saan nagkakaron ng street dance at ang mga residente rito ay nagsusuot ng bihis na pang Anghel bilang pagbibigay galang sa Pitong Arkanghel at isa rito ay si Saint Rafael. Sa higit isang libong residente na nakasuot nito ay nagmumukhang tila ang langit ay bumaba sa kanilang bayan. Ayan ay ilan lamang sa mga kapistahan at kasiyahan na dinaraos sa Bulacan.
-
Mariano Ponce (Baliuag Bulacan) Si Mariano Ponce ay ipinanganak noong Marso 23 1863 at namayapa noong Mayo 23, 1918. Isa si Mariano Ponce...
-
Sa isang probinsya, hindi mawawala ang mga kapistahan at kasiyahan. Kung ikaw ay taga Bulacan, marahil alam mo na ang ilan sa mga kapistahan...
-
Naririto ang listahan ng mga namuno sa lalawigan ng Bulacan mula nang maitatag ito bilang opisyal na lalawigan ng Republika ng Pilipinas. Ha...






































