MGA KAPISTAHAN AT KASIYAHAN SA BULACAN ni Raven Joy Barleta

Sa isang probinsya, hindi mawawala ang mga kapistahan at kasiyahan. Kung ikaw ay taga Bulacan, marahil alam mo na ang ilan sa mga kapistahan sa ating Probinsya. Halina’t tuklasin ang ilan sa mga kapistahan at Kasiyahan sa Bulacan.


Unang una na rito ang Libad Festival ng Calumpit na ginaganap tuwing ika-dalawampu’t tatlo ng Hunyo. Ito ay isang selebrasyon kung saan mayroong parada ng mahigit tatlumpung pinalamutiang pagoda na tinatawag na ‘’kasko’’ sa ilog ng Calumpit. Ito ay ginaganap isang araw bago ang aktuwal na kapistahan ng bayan bilang pagbibigay-pugay kay St. John the Baptist.

 (https://aboutbulacan.weebly.com/blog/calumpit-libad-festival)



Sumunod naman ay ang Kasilonawan o mas kilala sa tawag na Sayaw ng Obando na ginaganap mula ika-labing pito hanggang ika-labing siyam ng Mayo. Sinasayaw ito habang umaawit ng kantang Santa Clara Pinung-Pino. Inilalaan ang araw ng Mayo 17 ay para kay San Pascual de Baylon, ang santo kung ang mananamba ay nais magkaron ng asawa, at nais magkaron ng anak na lalaki. Mayo 18 na para kay Santa Clara, kung ang nais naman ay magkaron ng anak na babae. At Mayo 19 na para naman kay Nuestra Senora de Salambao, para sa proteksyon ng mga mangingisda dahil ito ang pangunahing kinabubuhay ng mga taga Obando. 
(https://en.wikipedia.org/wiki/Obando_Fertility_Rites#:~:text=The%20Obando%20Fertility%20Rites%20are,in%20Obando%2C%20Bulacan%2C%20Philippines.)


Ikatlo ay ang Halamang Dilaw Festival ng Marilao na ginaganap tuwing Mayo. Hango ito sa salitang “Marilaw” o madilaw. Ito naman ay ang kapistahan para sa pasasalamat sa kalikasan kung saan nagkakaroon ng street dance at iba pang kasiyahan. 
(https://www.hellotravel.com/events/halamanan-festival)





Ang susunod naman na kapistahan ay an
g Horse Festival o mas kilala sa tawag na Salubong Festival ng Plaridel na ginaganap mula ika-dalawampu’t siyam hanggang ika-tatlumpu ng Disyembre. Ito ay apat na aang taon nang tradisyong selebrasyon para sa kapistahan ni St. James the Apostle kung saan pumaparada ang mga kabayo mula sa Baranggay Sipat at bayang ng Poblacion hanggang sa umabot sa simbahan para sa 12 noon mass. 
(https://plaridelsite.wordpress.com/2016/10/20/plaridel-horse-festival/)





Isa pa sa kasiyahang ginaganap sa Bulacan ay ang Pagoda Festival ng Bocaue tuwing unang lingo ng Hunyo. Ipinagdiriwang sa pistang ito ang pagkakatuklas ng mahimalang krus na nakalutang sa Ilog ng Bocaue 200, mga taon na ang nakalilipas. Sa araw ng Pagoda sa Wawa, isang kopya ng krus na pinagpakuan ni Hesukristo ang ipinuprusisyon habang nakasakay sa isang pagodang pinalamutian at ginagabayan ng mga bangkang makukulay. Pinaparangalan ng prusisyon at ng nobena ang Banal na Krus ng Bocaue, Bulacan na mas nakikilala bilang Krus ng Wawa. Isang trahedya ang nangyari kung saan noong taong 2014 ay 150-200 lamang ang maaaring sumakay sa pagoda.
 (https://www.a1-philippine-travel-asia.com/bocaue-pagoda-festival.html)


Susunod naman ay ang Carabao Festival ng Pulilan na ginaganap tuwing ika-labing apat ng Mayo. Ayon sa mga Pulileño, ang Carabao Festival ay isang pagdiriwang ng pasasalamat sa kanilang patron, si San Isidro Labrador. Bilang pagkilala, sa pagdaraos ng parada ay lumuluhod ang mga kalabaw sa tuwing tatapat o bago tumapat sa simbahan. Layunin niyo na mapaunlad ang turismo ng bawat lugar na pagdarausahn nito.
 (https://www.amaialand.com/news-and-events/carabao-festival-pulilan-bulacan/#:~:text=The%20Carabao%20Festival%20is%20a,to%20these%20ever%2Dhelpful%20animals.)





Ang sumunod na kasiyahan ay ang Singkaban Festival ng lalawigan ng Bulacan. Tradisyon na ng mga Bulakenyo na ganapin ito sa loob ng isang linggo, buwan ng Setyembre. Ang Singkaban Festival ay ang pinakamahaba at pinakamalaking pistang ipinagdiriwang sa Bulacan. Sinasabing ito rin ang Ina ng mga Pista sa Bulacan sapagkat nagsasama-sama dito ang iba’t ibang pista o tradisyon ng mga bayan tulad ng Gulay Festival ng San Ildefonso, Halamanan Festival ng Guiguinto, Buntal Hat Festival ng Baliwag, Goto Festival ng Plaridel, Minasa Festival ng Bustos, Baro’t Saya Festival ng Pandi, Carabao Kneeling Festival ng Pulilan at iba pa. 
(https://www.hellotravel.com/events/singkaban-festival)


At ang huli ay ang Angel Festival ng San Rafael na ginaganap tuwing ika-dalawampu’t siyam ng Setyembre. Ito naman ay isang parada kung saan nagkakaron ng street dance at ang mga residente rito ay nagsusuot ng bihis na pang Anghel bilang pagbibigay galang sa Pitong Arkanghel at isa rito ay si Saint Rafael. Sa higit isang libong residente na nakasuot nito ay nagmumukhang tila ang langit ay bumaba sa kanilang bayan. Ayan ay ilan lamang sa mga kapistahan at kasiyahan na dinaraos sa Bulacan. 
(http://sanrafael.gov.ph/what_to_see/festival/#:~:text=Every%20year%2C%20the%20municipality%20celebrates,one%20of%20the%20Seven%20Archangels.)

ANG SALAMIN NG KAHAPON NG MAKASAYSAYANG LALAWIGAN NG BULACAN ni Justine Jhoy Yambao

Ang kasaysayan ay hindi maiaalis at nakadikit na sa bawat tao, bagay, pagkain, kultura o pook. Lahat ng parte ng buhay bago pa man magkaroon ng bunga ay tiyak na mayroong pinagmulan. Halina’t maglakbay pabalik ng oras at pumaroon sa panahon kung saan ang kasaysayan ay inuukit sa lalawigan ng Bulacan.



Ang naitala na pinagsimulan ng lalawigan ay noong 1572 nang magpunta ang mga misyonerong Agustino na sina Fray Martin de Rada at Fray Diego Vivar sa mga lugar na ngayon ay tinatawag ng Calumpit, Malolos at Hagonoy.

Taong 1575, ang bayan ng Calumpit ang unang bayan na naitatag sa lalawigan. Sa bayan na ito, sa baryo ng Meyto inilagak ng mga naunang misyonero ang krus. Ang Meyto Shrine sa kasalukuyan ang pinakaunang kapilya’t kumbento at nagpasimula sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa lalawigan ng Bulacan. 





Malaki ang naging papel ng Bulacan sa kasaysayan ng bansa. Sumisimbolo ang walong silahis o sinag ng araw na makikita sa watawat ng Pilipinas ang walong probinsyang unang nag-aklas laban sa mga Kastila. Kabilang sa mga probinsya na iyon ay ang Bulacan, Maynila, Laguna, Cavite, Batangas, Tarlac, Nueva Ecija at Pampanga. 



Bukod sa ito ay naging tahanan ng ilan sa mga tampok na bayani ng bansa, kabilang ang mga Kababaihan ng Malolos sa mga naunang nakipaglaban sa ngalan ng edukasyon. Taong 1888 ng magpadala ng liham ang mga Kababaihan ng Malolos kay Gobernador-Heneral Valeriano Weyler. Sila ay binubuo ng dalawampung kababaihan mula sa mga prominenteng pamilyang Tsino-Filipino. Humihingi sila ng permiso para makapagbukas ng panggabing paaralan para matuto ng wikang Espanyol. Tumutol ang isang paring Kastila na si Fray Felipe Garcia kaya’t hindi ito inaprubahan ni Gobernador-Heneral Weyler. Hindi nagpatinag ang mga Kababaihan ng Malolos at sila naman ay nagtagumpay sa kagustuhang makapag-aral. Ang kanilang ginawa ay hindi karaniwan noong mga panahong iyon kaya’t nakiusap pa ang manunulat na si Marcelo H. del Pilar kay Dr. Jose Rizal na sila ay padalhan ng sulat sa Tagalog. Pebrero 1889 nang isulat ni Rizal ang tanyag na mahabang liham para sa mga Kababaihan ng Malolos.

 

Sa kasalukuyang Pandi, Bulacan rin naganap ang madugong Battle of Kakarong de Sili o Labanan sa Kakarong de Sili noong Enero 1897. Tinatayang isa hanggang tatlong libong Katipunero ang walang awang pinatay ng hukbong Kastila. Isa sa mga nakaligtas ay ang batang heneral na si Gregorio “Goyo” H. del Pilar. 
 

Republika ng Pilipinas sa Biak-na-Bato  sa San Miguel, Bulacan.
Nobyembre 1897 nang itinatag ang kauna-unahang Republika ng Pilipinas sa Biak-na-Bato na matatagpuan sa San Miguel, Bulacan. Ito ay tinawag na Republika ng Biak-na-Bato na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo. Nilagdaan ang Kasunduan sa Biak-na-Bato kung saan pansamantalang ititigil ang digmaang Pilipino-Kastila at mayroong danyos na ibibigay ang mga Espanyol. Si. Pedro Paterno ang nagsilbing kinatawan ng mga rebolusyonaryo at si Gobernador-Heneral Fernando Primo de Rivera naman ang lumagda sa panig ng Pamahalaang Espanyol. Hindi tumupad ang dalawang panig.

Tatlong buwan ang nakalipas matapos iproklama ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite ay binuksan niya sa loob ng simbahan ng Barasoain sa Malolos ang kauna-unahang sesyon ng Kongreso ng Malolos noong Setyembre 1898. Ang Kongreso ng Malolos ang nagbigay-bisa sa kauna-unahang Saligang Batas ng bansa at  proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas. 



Ang Labanan sa Quingua ay naganap sa bayan ng Calumpit, Bulacan noong Abril 1899. Ito ay labanan sa pagitan ng hukbong Amerikano laban sa pwersa ni Heneral Antonio Luna. Isa sa mga kakatwang naganap ay ang pag-atake ng mga kalabaw sa Bulacan sa mga sundalong Amerikano. Ang ilan sa mga teorya ay dahil sa kulay ng uniporme nila na tila pula o dahil hindi kaaya-aya ang amoy ng mga sundalo at ang isa pa sa mga kakaibang eksplanasyon ay ang kanilang pagiging hindi tuli. 


Para sa ilan ay madugong aralin ang kasaysayan ngunit ang dugo ng ating mga ninuno ang nagbigay-daan upang ipanganak ang demokrasya. Kung wala ang kasaysayan, marahil ay hindi rin tayo magiging posible.

Halina sa pook na iyong babalik-balikan, sagana sa kwento ng marahas o makulay na nakaraan, Bulacan.

MGA BAYANING NAGMULA SA BULACAN ni Arcey Denise Dionisio

Mariano Ponce  

(Baliuag Bulacan)

Si Mariano Ponce ay ipinanganak noong Marso 23 1863 at namayapa noong Mayo 23, 1918.

Isa si Mariano Ponce sa mga Pilipinong doktor na naging pinuno ng Kilusang Propaganda na nag himok sa Pilipinas na mag Rebulusyon laban sa mga Kastila noong taong 1896. Noong panahon ng Propaganda siya ay gumamit ng ibat ibang sagisag tulad ng Tikbalang, Naning, at Kalipulako sa kanyang pagsusulat. Pinamatnugutan niya ang pahayagang La Solidaridad at aktibong kasapi ng Asosacion Hispano-Filipino. Si Mariano Ponce ay naglingkod bilang isang mambabatas sa Pambansang Asemblea at kanyang kinatawanan ang ikalawang distrito ng Bulacan.


Ilan sa kaniyang mga nasulat ay ang mga sumusunod:
• Ang Alamat ng Bulacan
• Ang Pagpugot kay Longhinos
• Liwasang Bayan ng Malolos
• Ang Panitikan ng Kilusang Propaganda
• Ang Makasaysayang Pag-aaral Tungkol sa Pilipinas

Marcelo H. Del Pilar

(Kupang Bulakan, Bulakan)

Si Marcelo H. Del Pilar ay ipinanganak noong Agosto 30, 1850 at namayapa noong Hulyo 4, 1896.

Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan o mas kilalang Marcelo H. del Pilar ay kilala bilang isang “Dakilang Propagandista”, Siya ay isang illustrado noong panahon ng pananakop sa atin ng mga Espanyol. Nakilala siya sa mga pahayagan bilang si Plaridel. Siya rin ang pumalit kay Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad. Noong  Unang araw ng Hulyo 1882 itinatag niya ang Diaryong Tagalog kung saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan.



Ilan sa kaniyang mga nasulat ay ang mga sumusunod:
• Sa Bumabasang Kababayan
Dupluhan... Dalit... Mga Bugtong
• Sagót ng España sa Hibíc ng Filipinas
• La Frailocracía Filipina
• Pasióng Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Babasa
• La Soberanía Monacal en Filipinas

Gregorio Del Pilar

(Bulacan, Bulakan)

Si Gregorio Del Pilar naman ay isinilang noong Nobyembre 14, taong 1875 at binawian ng buhay noong Disyembre 2, 1899.

Si Gregorio del Pilar o mas kilala bilang Goyong ay ang pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano.Siya ay nag aral sa  Ateneo Municipal de Manila noong 1880 at tumira sa bahay ng kanyang tiyo na si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag ang Katipunan,Siya ay naging mensahero ng mga propagandista.At sa kanyang murang edad ay sumapi siya sa Katipunan,naging pinuno ng mga katipunero at sumanib sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya.Naging Tinyente siya sa gulang na labing-anim na taon at ginawa siyang heneral sa isang brigade noong siya ay nasa 22 na taong gulang. Ang pagsalakay niya sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel) ang nagpatanyag sa kanya. Si del Pilar ang pumalit kay Hen. Antonio Luna na humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo noong namatay siya.


Pio Valenzuela  

(Polo, Bulacan)

Si Pio Valenzuela ay nagsimula nang mamuhay sa mundo noong ika-11 ng hulyo taong 1869 at binawian ng buhay noong ika-6 ng Abril, 1956.

Si Pío Valenzuela ay isang doktor, at bayaning Pilipino na isa sa mga pinuno ng Katipunan na lumaban sa mga Kastila noong Panahon ng Himagsikan.Isinulat niya ang kanyang mga naalala ng Himagsikan noong dekada 1920. Sakanya ipinangalan ang lungsod ng Valenzuela. Siya ang unang alkalde munisipalidad ng Polo na ngayon ay Valenzuela na mula 1899-1900 bago siya naging gobernador ng lalawigan ng Bulacan.





Trinidad Tecson 

(San Miguel de Mayumo,Bulacan) 

Si Trinidad Tecson ay ipinanganak noong Nobyembre 18, 1848 at namayapa noong Enero 28, 1928.

Trinidad Perez Tecson o mas kilala bilang “Ina ng Biak na Bato” at “Ina ng awa”.Kinilala din siya bilang “Mother of the Philippine National Red Cross” dahil sa kaniyang serbisyo para sa kanyang mga kapwa Katipuneros. Sumali siya sa mga rebolusyonaryong pwersa na pinamunuan ni Gen. Gregorio del Pilar at lumahok sa pag-atake sa lalawigan ng Bulacan at Calumpit.

 Naglingkod din siya sa Malolos Republic at itinalaga bilang Commissary of War. 


Isidoro Torres 

(Matimbo, Malolos Bulacan) 

At ang panghuling bayani na tatalakayin natin ay Si Mariano Ponce na ipinanganak noong Abril 10, 1866 at namayapa noong Disyempre 5, 1928.

Si Isidóro Tórres ay isang heneral sa Himagsikang Filipino. Siya ay kasapi ng Katipunan at kilala sa kaniyang grupo bilang “Matang Lawin.” Isa siyang mahusay na lider at estratego ng mga rebolusyonaryo.Siya ay  naging cabeza de barangay siyá mula 1890 hanggang 1892.


MGA SANGGUNIAN: https://tl.wikipedia.org/wiki/Mariano_Ponce

https://tl.wikipedia.org/wiki/Marcelo_H._del_Pilar https://tl.wikipedia.org/wiki/Gregorio_del_Pilar https://tl.wikipedia.org/wiki/Pio_Valenzuela https://philippineculturalducation.com.ph/torres-isidoro/ https://en.wikipedia.org/wiki/Trinidad_Tecson



Maligayang Pagdating sa aming Blog!